Category Archives: Poetry

Anong Meron Sa Kawalan?

Naroon kaya ang mga kasagutan sa mga tanong na iniiwasan?
Naroon kaya ang mga dahilang pinagdamot ng karamihan?
Naroon kaya ang katuparan ng mga pantasyang inaasam-asam?
Naroon kaya ang pagbalik sa alaala at pagtuwid ng pagkakamali?
Naroon kaya ang pakiramdam ng ginhawa at pagkakampante?
Naroon kaya ang pagtigil ng luha at pagkalma ng isip?
Naroon kaya ang kasiguraduhan?

Anong meron sa kawalan?
Sa kawalan mo?
Sa pagkawala mo?

Kerubin

Naging mababa ang paglipad
naging matalim na yero ang pakpak ng eroplanong papel

sa himpapawid,
hindi matangay ang mga paslit

sa paglisan sa lupa
kung saan lumawak ang lansangan

upang doon ilibing ang kanilang mga pakpak.
Kasama sila.

Kamposanto

Nanlilimahid sa sahig ang kasalanan
Ang iyong kaputol ay pilit pinutol
Saang dulo hinahanap ang pagtakas,
Anong panglaw sa tanikalang binitay
Ang hindi matutubos ng isang libong dasal,
Naliligaw ka sa daan patungo

Kung saan
Ako iniwan

Anino ng dagling bangungot
Ng dalagang binitay ng gabi
Ang inunan, dugo at ang ating pusod
Kasama ang lihim ay iyong ibaon.

The Blind Smelt of Music

The paper is bleeding so much.
Is there an end to this?
But I can only watch.

A scrupulous composer.
A juxtaposition of notes.
A forbidden requiem.

Cacophonous yet solemn.
Coarse yet smooth.
Disturbing yet beautiful.
Poisonous yet sweet.
Mellow yet acrid.

It loomed on me.
A spectacular and terrifying revelation.

It’s too late though.
The orchestra has already begun.

R Boyz

Namimintog ang buwan sa laki
kinikilala ang mga nakabilog na anino.

Tuliro na ang bote nang sa akin ay tumapat
matapos hiluhin ng kamay sa dikta na para bang roleta.

“Jomar, ikaw naman.”

Matagal ko nang pangarap ang makarating sa langit
baka sakaling doon matagpuan si mama o kahit si bunso.

Iniabot sa akin ang supot na naglalaman ng susi
patungong kaharian sa itaas.

Continue reading R Boyz

The Awakening

Today, I let go
And let the air
That I hoped for
Lead me to a place
I never knew existed in me.

Homecoming

I thought I was afraid of moving to a new direction,

of the misgivings and the intent of not going back.

But all this time, what I’m really terrified is changing too much

then losing myself because I knew I’d never be that person again.

And I have changed since then, my piece no longer fits in the puzzle.

But I have never felt this joy of leaving as I am coming home.